Panahon na naman ng Durian sa Davao City, kung saan ang mga Davaoeño at mga turista ay kumakain  nito sa napakababang presyo.

Tinaguriang “king of all tropical fruits” ang Durian na tumutubo sa Brunei, Indonesia, Malay at sa iba pang parte ng Mindanao. Ito ay may kulay kaki at berde na may maiiksing matulis na patusok sa balat. Ito ay naging kakaiba dahil sa di kaaya-ayang amoy. Ginagawa itong kendi, ice cream at mga cake.

Batid niyo ba ang benepisyong hatid ng Durian? Nakapagpapataas ba ng blood pressure ang labis na pagkain ng Durian?

Ayon sa isang nutritionist na si Dr. Teresita Ungson, hindi totoong nakapagpapataas ng blood pressure ang durian dahil ang mataas na halaga ng potassium nito at mababang sodium content ay siyang nagkokontrol at nag-aatas ng perpektong presyon ng dugo.

Nagtataglay naman ang durian ng mataas na halaga ng Vitamin C na lumalaban sa free radicals at tumutulong sa pag-optimize at pagpapalakas ng immune system upang maprotektahan ang ating katawan laban sa mga pathogens – mga bacteria, virus or microorganism na nagdudulot ng sakit.

Ang folic acid at iron naman nito ay epektibong ginagamit upang pagalingin at maiwasan ang anemia o ang hindi pagkakaroon ng sapat na mga pulang selula ng dugo o hemoglobin sa dugo.

Dahil naman sa taglay na fiber ng Durian nakakatulong ito upang makaiwas sa constipation at mapabuti ang bowel movement habang ang vitamin B1at B3 nito ay nauugnay sa healthy appetite na tumutulong na pantunaw.

Nakakatulong din ang durian na makagpagbawas ng timbang dahil sa taglay nitong high energy at zero cholesterol na may electrolyte  balancing minerals.

Bukod pa rito nakakatulong ang Durian upang makaiwas sa cancer dahil sa antioxidant compostion nito. Nakakatulong din ang taglay na Tryptophan ng Durian upang mapabuti ang iyong pagtulog.

Samantala, may babala sa mga taong diabetic wag pong kumain ng sobra ng Durian dahil sa mataas ito sa sugar content.

At kung gusto mo ng solusyon at matuldukan ang iyong Diabetes, aba’y puntahan na ang pinakamalapit na Dok Alternatibo Center sa inyong lugar.

Sa Dok Alternatibo, gagabayan ka patungo sa iyong inaasam na kagalingan.

Marami na ang nagtanong, dumulog at gumaling dahil sa sikretong formula ng  Dok Alternatibo.

Sikretong formula ba kamo? Umaksyon na kapanalig!