Nasawi ang isang estudyante matapos mabangga ang kanyang motor na minamaneho sa isang Yellow bus noong nakaraang araw bandang alas 6;15 ng gabi sa Brgy. Palili,Sulop Davao del Sur.

Sa ginawang imbestigasyon ng mga awtoridad,pareho umano ang direksyong ang patutunguhan ng dalawang sasakyang sangkot sa insidente at aksidente umanong nabangga ng Yellow bus ang likuran ng black motorcycle honda na dahilan ng pagkapunta ng driver ng motor sa front bumper ng yellow bus na minamaneho ni Pio Lipa Dela Cruz,40 anyos na residente ng Samson road, Balintawak, Quezon City.

Ang biktimang si Richard Lumbab,18 anyos at estudyante ng Sulop National High School ay agad dinala sa Digos City Provincial Hospital para sa agarang medikasyon sapagkat nagtamo ito ng madaming injuries sa katawan subalit idineklarang Dead on Arrival na ito.

Sa ngayon, temporaryong nasa Sulop Municipal Police Station ang driver ng Yellow bus para sa maayos na disposisyon.