Nagkasama sama sa final press conference ang dalawang division world champion Danny Garcia at former world champion Brandon Rios, dalawang araw bago magaganap  ang kanilang WBC welterweight world title eliminator sa araw ng  Linggo sa Mandalay Bay Events Center.

Ayon kay Garcia,na  nagbabalik sa ring matapos ang unification showdown kay Keith Thurman, na patutumbahin niya umano si Rios sa loob ng anim hanggang ikawalong rounds.

Porsigido naman si  Rios na nasa 100 percent na siya umanong handa sa tinagurian niyang “make or break” fight.

Samantala co-main event sa laban sa Linggo ang rematch nina undefeated WBC Super Middleweight World Champion David Benavidez at top-rated contender Ronald Gavril.

Noong nakaraang taon nagtapos ang bakbakan ng dalawa sa maaksiyong split-decision.