Patuloy ang pamamayagpag ng San Miguel Beermen sa standings matapos nilang tambakan ang Mahindra Floodbuster at nagtapos sa iskor na 109-80.

Naitala ng Beermen ang ika-4 na sunod-sunod na panalo sa 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Bumida si Alex Cabagnot ng Beermen na kumamada ng 26 points, 8 rebounds at 4 na assist habang si Charles Rhodes naman ay nag ambag ng 18 rebounds.

Ayon kay coach Leo Austria ng Beermen, na kahit alam nilang kayang-kaya nila ang Mahindra ay hindi pa rin nila ito binalewala.

Samantala, ito ang unang pagkakataon sa loob ng apat na taon na hindi na nakapagtala ng score si Beermen star June Mar Fajardo.