images (6)

Ni: Tess Montoya

Malawakang pagsusuri ang isinagawa ng mga kawani ng City Engineer’s Office, alinsunod sa kautusan ni Mayor Ronnel Rivera ng General Santos City. Ito ay upang matugunan o di kaya’y maiwasan ang mga sakunang di malayong mangyayari dito sa lungsod ang trahedya sa Cebu at Bohol, na dulot ng magnitude 7.2 na lindol. 

Iniutos ng alkalde na e-evaluate ang kapasidad ng lahat ng mga gusali, pampribado man o pampubliko.  Sapagkat maraming mga gusaling nakatayo na dekada na ang nakalipas, at ito’y kailangang tutukan ng inspection team. Kasali na rito ang mga vital installation, tulay at kalsada.

 

Panalangin ng alkalde na sana’y di mangyayari dito sa Gensan   ang animo’y bangungot sa Visayas.  Panawagan naman nya sa taumbayan na maging mapagmatyag at makinig sa panawagan ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang sakuna. 

Ayon sa Pag-asa walang namang fault line sa Gensan, ngunit di parin dapat isasantabi ng taong bayan na maging handa at mapangmatyag.