Inumpisahan na ng Gilas Pilipinas ngayong araw ang kanilang isang linggong closed-door practice bilang paghahanda para sa second window ng FIBA World Cup Asian qualifiers.

Kaabang abang na kasi sa Pebrero 22 ang kanilang laban kontra sa powerhouse team Australia.

Dahil dito, humingi ng pasensya si Gilas head coach Chot Reyes sa publiko sa naging pasya nila na huwag munang papasukin ang mga media at fans sa venue ng ensayo

Kaugnay nito, sumali na rin sa kanyang kauna-unahang practice si naturalized center Andray Blatche kasama ang national team.

Ito’y makaraang sinang ayunan na ito ng kanyang mother team na Xinjiang Flying Tigers ng Chinese Basketball Association na lumahok sa Gilas.

Sa ngayon, kapwa malinis na ang kartada ng koponan ng dalawang bansa sa Group B ng torneyo sa kanilang 2-0 win-loss record.