162679_10150097506303698_675863697_7323165_5654012_n[1]

Ang panlalawigang pamahalaan ng Surigao del Sur at munisipyo ng San Miguel at Tago pumasok at pumirma sa isang kasunduan (MOA) nito lamang araw ng lunes kasama ang Deutsche Gesellschaft fur Internationale Zusammenarbeit ( GIZ ) para sa isang malaking proyekto na magbibigay babala sa paparating na baha sa kahabaan ng ilog ng Tago na sumasaklaw sa dalawang bayan ng lalawigan.

Dinalohan ang nasabing MOA signing nila Surigao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ( PDRRMC ) chairperson Gov. Johnny Pimentel , Tago Mayor Rogelio Pimentel , kinatawan ng LGU ng San Miguel at kinatawan ng GIZ.

Ang pagtatatag ng LFEWS na aparato nagsimula noong Hunyo taong kasalukuyan sa isang pamamagitang ng isang presentasyon sa proyekto sa pamahalaang panlalawigan ng Surigao del sur at lokal na pamahalaan ng San Miguel at Tago sa pamamagitan ng mga local Disaster Risk Reduction Management Council (DRRMC.) Isinagawa rin ang isang stakeholder pagpaplano at oryentasyon. pagkatapos ng nasabing workshop ay isinagawa nila ang site survey para sa pag-install ng aparato sa pakig koordinasyon sa mga stakeholder at LGUs .

Sa ngayon, sinabi ni Dr Walter Salzer, Giz Program Director na ang konstruksiyon ng aparato ng LFEWS ay nakatakdang makumpleto bago pa man matapos ang taong.
Ayon pa kay Gov. Pimentel na ang proyektong ito ng LFEWS ay napapanahon para sa bayan ng San Miguel at Tago dahil kilala ang mga ito na posibleng bahain sa oras na malakas ang ulan o may bagyong darating.