green-barley-powder-juice-300x242

Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko kontra sa pag-inom ng powder juice na Green Barley na ipinakilalang “total food powder drink” at nakaka-pagpagaling diumano ng iba’t-ibang klaseng sakit.

Ayon sa FDA Advisory No. 2013-037, hindi na muling pinayagan ang Global Partners Incorporated na i-rehistro ang produkto nitong Green Barley dahil hindi maka-comply sa batayan ng FDA ang nasabing produkto at expired na ang naunang rehistro noong 2009.

Napag-alaman na malaki ang pagkakamali ng kompanya ng Green Barley dahil sa branding nito na merong “health and therapeutic” effect na isinasapubliko ng kompanya sa pamamagitan ng advertisement sa dyaryo at ibang digital media.

Dahil hindi aprubado, hindi rin aprubado ang “therapeutic claims” nito kontra dengue, cancer, diabetes, leptospirosis, high blood pressure, high blood sugar, high cholesterol, arthritis, rheumatism, gout, rhinitis, impotence, goiter, arterial venous malformation, pre-menstrual tension, menopausal complaints, at myoma.

Inatasan na ng FDA ang mga personahe sa nito sa buong bansa na kumpiskahin ang Green Barley kapag nakikita itong binebenta sa publiko. (MM)