jeron-teng-083012

Nawala ang bangis ng Growling Tigers matapos itong nilampaso ng Green Archers sa iskor na 77-70 sa final buzzer ng game 2 ng UAAP sa harap na mga naghuhumiyaw na fans na umabot sa mahigit 23 libo sa Smart-Araneta Coliseum. Parehong may tig-isang panalo ang bawat koponan na maghaharap muli sa ikatlong pagkakataon. Pinangunahan ni Jeron Teng ang laro upang tambakan ang koponan ng kanyang kapatid na nasa UST cagers sa ginawa niyang 19 puntos, 9 rebounds 4 assists at 3 steals, sinundan naman ni Norbear na may 16 puntos 10 rebounds at 3 blocks, habang si Van Opstal ay gumawa ng 13 points 13 rebounds 3 assists at samantalang si Vosotros ay dumagdag ng 11 puntos at 3 assist.

Ang magkapatid na Jeron at Jeric Teng ay kapwang umiskor ng 12 at 15  sa kanya kanyang koponan at natapos sa 41-33 ang 1st half na siyang naging inaabangan ng mga manonood.Bumato ng three points si Tata Bautista upang maging one point game ang laro sa iskor na 44-43 para sa Archers sa third quarter. Sinagutan naman ito ng tatlong sunod na iskor ng La Salle para humabol muli ang UST.

Tinapos ng Green Archers ang 3rd quarter na lamang ng labing isang puntos sa iskor na  64-53 at ipinakita ng  ang liksi at taas sa paglundag upang mahirapan ang mga taga Espana sa rebound.

Ibinendera ng mga miyembro ng 1 ASAPPP Movement Dumaguete City Chapter ang Prime Balita Nationwide bilang suporta sa paglalathala ng totoong pangyayari sa buong banasa.