Pagsasanay at crop production area ang isinasagawa ng grupong Kabataang Magsasaka na layong makabuo ng mas mataas na kapasidad ng agrikultura para sa mga batang magsasaka.Ayon kay Kabataang Magsasaka chairman Christopher Adromeo umabot na sa 87,000 bilang ng mga aktibong magsasaka sa bukid sa Pilipinas at karamihan sa mga ito ay kabataan.

Ayon din kay Team Humanity executive director Richard Año,katuwang ng grupo sa programa ang ang mga local na pamahalaan o LGU.Layon din umano nito na mapalakas pa ang kahandaan at kakayahan mga magsasaka.  Inaasahan ding magtatayo ang grupo ng water system at renewable energy facilities sa mga barangay ng local na pamahalaan.Umaasa rin ang Kabataang Magsasaka  na maisasatupad na ang public-private partnership na layong matulungang madaragdagan ang kita ng mga batang mgasasaka sa mga barangay.

Samanatala, Tinawag namang ‘next in line’ ni Adromeo ang mga kabataan na umano’y  narecruit ng grupo mula sa kanayunan.Dagdag pa niya tumutulong ang ginagawang pagrerecruit sa mga ito na subukan ang pagsasaka dahil nababawasan ang bilang ng kabataan na nasasangkot sa ibat ibang kaguluhan sa lungsod.Hindi umano magiging hadlang sa pag-aagrikultura ang pagkahilig ng mga kabataan sa modern technologies bagkus ito ay isa sa mga kagamitan upang mas mapadali ang pagkakalapn ng impormasyon tungkol sa pagsasaka.