Isang retiradong guro na taga Mandaue City ang piniling maging isang basurero sa Umapad Dumpsite upang may pagkakitaan.Pinili umano niyang sumabak sa kakaibang propesyong ito sapagkat nais niyang may maiambag sa lipunan.

Ang guro ay si Briones, 75 anyos, o mas kilala sa kanilang dumpsite bilang  “Sir Maning.”.Siya’y dating guro sa Toledo City, Western Cebu sa asignaturang Matematika.Simula ng siya’y maging mangangalakal ng Dumpsite sa Mandaue City ay naging tahanan na niya ang barong-barong na yari lamang sa mga nakalkal niyang mga basura.

 

Mayroon naman umanong pensiyon na natatanggap si Briones kada buwan subalit ani pa niya mas nagagamit niya ng husto ang matematika sa pagkasya ng kanyang pera sa mga gastusin.May asawa’t limang anak si Briones ngunit mas pinili nyang humiwalay sa kanila dahil narin sa walang tigil away nilang mag-asawa.

 

Gayunpaman,sinusustentuhan parin naman umano ni Briones ang kanyang mga anak at hangad ng mga ito na siya’y bumalik sa kanilang tahanan subalit mas pinili parin ni Briones na maging isang basurero sa dumpsite sa Mandaue City.Kaya siya’ nagsilbing inspirasyon ng maraming mag-aaral.