cookies 2

Ang halamang oregano, suganda, o kalabo ay isa sa mga kilalang pampalasa o herb na karaniwang ginagamit sa mga lutuin. Ito ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan. Ang halaman ay may taglay na carbohydrates, proteins, phenols, tannins, flavanoids, saponins, glycosides. Ang dahon ay kinukuhanan ng langis na may thymol, eugenol, trans-caryophyllene, at carvacrol.

Maaari ring gamitin ang ibang bahagi ng halaman bilang gamot. Ang dahon ay ginagamit sa panggagamot lalo na sa ubo, ito ay ilaga at inumin na parang tsaa. Ang dahon naman na bahagyang pinitpit ay inilalagay sa sentido para mabawasan ang pananakit ng ulo. Mabisa rin ito sa kabag, bagong panganak, at sore throat. Samantala, ang dinikdik na dahon ng oregano ay ginagamit upang maibsan ang pananakit ng paso sa balat, kagat ng insekto at pigsa.

Sa ngayon, hindi mo na kailangang maghirap pa na maglaga o magdikdik ng dahon ng oregano, o iba pang bahagi nito, dahil ang halamang gamot na oregano ngayon ay nasa cookies na. Ipinakilala ng Dok Altenatibo ang “Healthy Cookies” mula sa halamang oregano. Hindi lang masarap kainin, nakakatulong pa ito upang maging masigla at malusog ang iyong katawan.

Kaya wag ng magpahuli, kung pagkaing masustansiya ang iyong hanap mag-healthy cookies ka na. Sadyang hanap-hanapin mo ang linamnam na dulot ng Healthy Oregano Cookies. Mabibili sa lahat ng branches ng Dok Alternatibo sa buong bansa..malapit na!