Isa sa mga kilalang halamang gamot ay ang gatas-gatas o mas kilala bilang tawa-tawa na may scientific name na Euphorbia hirta.

Isang maliit na halaman ang tawa-tawa na karaniwang tumutubo sa mga bakanteng lote at nakatiwangwang na lupa sa maraming lugar sa Pilipinas kasama ng mga damong ligaw. Ang mga dahon ay tumutubo ng magkakapares at magkakatapat sa isang sanga. Bahagyang nababalot ng maliliit na buhok ang buong halaman. Kilala rin ito sa pagkakaroon ng maraming dagta kung sakaling mapuputulan ng tangkay o dahon.

Kaugnay nito sa bagong pag-aaral ng UERM Memorial Medical Center Inc., sinabi nito na isang mabisang lunas sa dengue ang halamang tawa-tawa. Sa pag-aaral naman ng mga eksperto, karamihan sa mga uminom ng tawa-tawa habang may sakit na dengue ay mas naging mabilis ang paggaling.

Kasalukuyan ding pinag-aaralan ng Department of Science and Technology (DOST) ang tawa-tawa dahil anti-inflammatory at anti-viral properties nito. Pinaniniwalaan kasi na ang tawa-tawa ay nagpaparami ng produksyon ng platelet sa bone marrow at makakatulong sa mga pasyente ng dengue.

Bukod pa rito hinahalo naman sa inumin ang dagta ng tawa-tawa para maibsan ang sintomas ng hika. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng halaman para sa kondisyon ng hika. Ang tuloy-tuloy na pagdudumi naman ay maaaring gamutin sa tulong ng pag-inom sa pinaglagaan ng halaman. Mabisa rin para sa sa pagpapababa ng simpleng lagnat ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat.

Mapapabilis naman ang pag-hilom ng sugat sa tulong ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng tawa-tawa at maaari ring ipantapal sa balat na apektado ng pigsa. Nakakapagpababa din ng presyon ng dugo ang pag-inom sa pinaglagaan ng sariwang dahon tawa-tawa.

Bagamat maituturing na malaking tulong ang tawa-tawa sa iba’t-ibang karamdaman, wag mag eksperimento baka ang iniinda mong sakit ay di na kaya ng tawa-tawa lang.

Kung wastong gabay at siguradong kagalingan ang hanap mo, dumulog sa Dok Alternatibo.

10 taon ng subok ang mga produkto at serbisyo at talaga namang napaka epektibo.

Tandaan ang pagsisi ay laging nasa huli, kayat habang maaga pa, umaksyon na at kamtan ang kagalingan.

Para sa karagdagang impormasyon, puntahan lang ang pinakamalapit na Dok Alternatibo Center sa inyong lugar.