Ang Hemorrhoids o mas kilalang almuranas ay namamagang blood vessels na nabubuo sa ibabang bahagi ng pwet ng tao. Ang iyong rectum at anus ay may malaking tungkulin sa storing at paglalabas ng iyong feces o dumi. Ayon kay Dr. Joseph Mercola, dapat umanong panatilin ang kalusugan ng mga paeteng ito dahil kung hindi makakaranas ka ng ilang health problems.

Kadalasang apektado ng sakit na ito ay ang mga matatandang nasa 45 45 hanggang 65 taong gulang, ngunit ang mga kabataan at mga bata ay maaaring makaranas din ng sakit na ito. Kadalasan rin umanong apekado nito ay mga kalalakihan subalit maari rin itong madevelop sa mga kababaihan lalo na tuwing nagbubuntis.

Ayon naman sa 2016 Clinics in Colon and Rectal Surgery article, nasa mahigit kumulang 10 million Americans (4.4 percent of the population) ang nagkakaroon ng hemorrhoids taon-taon. Kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ay matinding  pananakit sa rectal area o sa may pwetan, leaking stool, may halong dugo ang dumi o feces, at  pamamaga ng anus.Base naman sa ulat ng Harvard Health Publications, mahigit kalahating bilang ng mga taong edad 50 taong gulang ang nakaranas na ng hemorrhoids.

Bagama’t hindi pa natukoy ng mga eksperto ang pangunahing sanhi nito, maaring ito ay dala umano ng katandaan,labis na katabaan, constipation, diarrhea, namana, pag-upo sa matagal na panahon at pagbubuhat ng mabibigat na bagay.

Pinag-iingat naman ng mga itong may hemorrhoids dahil maari itong mauwi sa ilang komplikasyon gaya ng anemia, strangulated hemorrhoids, Thrombosed hemorrhoids, at Prolapsed hemorrhoids. Ang masaklap pa rito ang thrombosed at prolapsed hemorrhoids ay nangangailangan ng operasyon.

Ang magandang balita naman sa kasong ito ay may mga nonsurgical procedures na maaring gawin o sundin. Isa na rito ang sitz bath. Ang warm water bath na ito ay tinatarget ang iyong buttocks at balakang na nakakatulong upang matanggal ang pangangati, iritasyon at sphincter muscle spasms.

Ayon rin sa iilang mga eksperto, ang ideal umano para rito ay mag sitz bath sa loob ng dalawampung minuto matapos ang bowel movement at gawin dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. Ayon kasi sa Mayo Clinic, nakakatulong ito upang matanggal ang sakit at namamagang hemorrhoids.

Huwag pigilan ang sarili kung nais ng dumumi. Kapa g kasi nagpigil ka, maaring bumalik pataas ang iyong stool na sanhi ng increase pressure at straining. GUmamit ng ice packs o cold compress at huwag kamutin ang apektadong bahagi.

May isa pang paraan na makakatulong para sa kondisyong ito. Walang iba kundi ang cleansing program ng Dok Alternatibo. Sa tulong ng natural at herbal na pamamaraam, makakamit moa ng tunay at buong kagalingan.