Edited Kuko

Ang hugis at kulay ng kuko natin ay sumasalamin o naglalarawan ng uri ng ating kalusugan. Maaring ikaw ay may sintomas na ng diabetes, kidney failure, heart disease, lung problem, at iba pa. Kapag napapansin mo na merong mga di kanais-nais na kulay ang kuko mo, dapat ka ng mabahala at maghanap ng solusyon nito.

Ayon kay Dr. Joseph Mercola kapag ang kulay ng kuko mo ay dilaw posibleng meron kang fungal infection, thyroid disease, diabetes, psoriasis, at respiratory disease. Kapag ang kulay ng iyong kuko naman ay maitim ikaw ay may melanoma o kanser sa balat. Samantala, kapag ang kuko mo naman ay tuyo, biyak, at basag ikaw ay may hypothyroidism at fungal infection at maaring kulang ka sa bitamina A, B at C. At kapag ang kuko mo naman ay may mga puting batik ay sintomas din ng fungal infection, at pag napapansin mo na ang dulo ng kuko mo ay lumalaki at kumukurba pababa (clubbing) ikaw ay maaaring may sintomas sa sakit sa baga, atay, kidney, sakit sa puso, at AIDS.

Payo ng mga eksperto kumain ng balanseng nutrisyon na may sapat na bitamina at mineral upang maging malusog ang iyong katawan at maiwasan ang nakakamatay na mga sakit. Kumain ng mga pagkain na mayaman sa protina, gulay at prutas na nakakabuti sa kalusugan ng kuko. Mas maigi ding iwasan ang habit na pagkagat ng kuko dahil maging sanhi ito ng impeksyon.

Ikaw ano ang kulay at hugis ng kuko mo? Suriin ng mabuti at bigyan ng positibong solusyon upang wag lumala ang iyong karamdaman. Ang Dok F Fulvic Mineral ay mabisang panlaban sa impeksyon at iba’t ibang karamdaman. Bumisita sa mga branches ng Dok Alternatibo para sa karagdagang impormasyon at libreng konsultasyon. Maaari ding bumisita sa aming website www.dokalternatibo.org para sa iba’t ibang kaalaman tungkol sa kalusugan.