gen6

Dahil sa sobra dalawang linggong karahasan, naglabas ng pahayag ang United Nations na isa nang “humanitarian crisis” ang lumalalang sitwasyon ng pamumuhay ng mga biktima ng kaguluhan sa Zamboanga.

Ayon kay UN Resident and Humanitarian Coordinator Luiza Carvalho, naa-alarma na ang organisasyon ng mga nagkakaisang bansa dahil sa pangagailangan ng mga biktima ng karahasan sa bagong kaguluhang nangyayari sa yumayabong na syudad sa Mindanao.

Aniya, matindi ang pangangailangang kailangan tugunan, lalo na ang mga kababaehan at mga bata na naiipit sa kaguluhan.

Tinatayang 70,000 ka tao, na pansamantalang sumisilong sa mga sports complex ng syudad ang delikadong madapuan ng klase-klaseng sakit dahil sa matinding pangangailangan ng pagkain, inumin at tulugan.

Marami rin ang kakulangan ng mga palikuran, kaya’t problema ngayon ng mga bakwit ang hygiene. Habang ang mga batang hindi makatiis sa mahabang pila ay nagbabawas na lamang ng dumi sa kung saan. Napag-alaman din mula sa report ng AFP na lumalala na ang kaso ng tigdas, diarrhea at conjunctivitis.

Ayon naman sa mga representante ng International Committee of the Red Cross(ICRC) at International Organisation for Migration (IOM) buwan pa ang bibilangin na mangagailangan ng tulong ang mga  bakwit. Umaabot sa 4 to 5 Milyong Piso ang ginagastos sa isang araw para lamang sa pagkain at iba pang pangangailangan ng mga evacuees na nasa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex at ibang evacuation center na naapektuhan ng krisis ng kaguluhan sa Zamboanga. Ito ay  ayon kay Undersecretary Parisya H. Taradji ng Social Welfare & Development (DSWD) sa media forum na isinasagawa ng Liga ng mga Broadcaster ng Pilipinas, Inc., sa Quezon City.

Ayon sa datos ng DSWD umaabot na sa 180-libo katao ang mga evacuees ang kanilang pinapakain ng tatlong beses sa isang araw at patuloy pa ring dumarami ang mga “bakwit”, habang hindi tumitigil ang bakbakan sa pagitan ng mga ng AFP at ng grupo ng MNLF Nur Misuari faction,

Bukod sa pagkain ay namigay din ng mga kumot, kulambo at mga damit ang DSWD, habang ang ilang privatesector at NGO naman ay tumutulong din sa pamamagitan medical mission sa mga nagkakasakit.

“Nag lunsad ng “cash for work program” na nagbibigay ng pansamantalang trabaho para sa mga apektado ng labanan bilang emergency employment,” dagdag pa ni Usec. Taradji

Samantala, ang International Committee of the Red Cross (ICRC) ay nagtayo ng emergency health stations sa pangunguna ng Philippine Red Cross na pinamumunuan ni Ms. Gwedolyn Pang ang Secretary General, na may dalawang doctor, anim na nurse at dalawang PRC Staff.

Namigay din ng tarpaulin ang Red Cross sa mga evacuees sa complex upang gawing pansamatalang silungan ng may 2,500 tao.

Inatasan naman ni Secretary Rosalinda Baldoz ng Department of Labor (DOLE)  si Regional Director Sisinio Cano ng DOLE Regional Office No. 9 na i-convene ang Industry Tripartite Council upang patatagin ang pakikipagunayan sa mga stake holders upang mapanatili ang trabaho ng mga paektadong manggagawa sa Zamboanga.