Pretty couple kissing each other

Nagsasawa ka na ba sa iyong pagtitiis at hindi na maintindihan ang takbo ng relasyon mo sa iyong asawa? Meron nga bang paraan upang maibalik ang nakaraan at pwede pa bang mabago ang kasalukuyan?

Hindi madaling makulong sa isang relasyong pinagbuklod na ng salita ng Diyos at pinagtibay pa ng batas. Kadalasan sa mga hindi masayang pagsasama ang sanhi ay ang maling pananaw at magkaibang pag-uugali at paniniwala. Noong 2010 merong 9,117 na petisyon ang inihain sa korte mula sa mga mag-asawang hindi na nagkakaintindihan at nais maipawalang-bisa ang kanilang kasal. 61% ng petisyong ito ay mula sa mga kababaihang nais ma-annul ang kanilang kasal.

Ang Pilipinas lamang sa buong mundo ang walang diborsyo maliban sa Vatican. Ayon sa isang propesor mula sa University of the Philippines at ekonomistang  si Solita Monsod kadalasan sa mga babaeng nais makipaghilwalay ay inaabuso at sinasaktan ng kanilang mga asawa. Ang walang kasiyahan na relasyon ang tulay sa paghihiwalay.

Sa paghihiwalay ng mag-asawa marami ang malalagay sa alanganin. Ang mga anak, kaanak at mga kaibigan ay tiyak na manghihinayang sa relasyon. Maaapektohan rin ang emosyon ng mag-asawang nais maghiwalay. Bunsod nito maaapektohan ang trabaho at pagiging produktibo sa buhay. Ang ibang nauwi sa paghihiwalay ay nagpapakamatay.

Imbes na sirain ang buhay nang bawat isa mas maiging ayusin at bigyang puwang ang pagpapatawad at pagbabago na kinakailangan upang maisalba ang mga bagay na isinakatuparan ninyong dalawa ng iyong kapareha. Maiging kumonsulta sa mga eksperto at humingi ng payo mula sa mga taong may malalim na pananaw sa buhay tulad ng pagsasalba sa isang relasyon.

Ang Asia’s Success Coach na si Dok Edgar L. Delibo ay handa kayong tulungan hindi lamang sa mga sakit na inyong nararamdaman. Alamin ang mga bagay na pwede ninyong gawin upang bumalik ang excitement at masayang pagtitinginan ninyong magkapareha sa isa’t-isa.

Para sa impormasyon ng harap-harapang konsultasyon tawagan ang aming mga numbero na nakalathala dito.

Pinagmulan ng Larawan: Conscious Solutions