Paras Dominga copy 2

Ni: Joy Quijano

Marami ng iniindang sakit si Gng. Dominga Paras, ang ina ni Malalag Mayor Roel Paras. Sa gulang na 82, iilan na rin ang kanyang karamdaman kagaya ng ulcer, pulmonya, walang ganang kumain at panghihina. Dahil sa kawalan ng ganang kumain, nanlalantang nakahiga na lamang siya sa kanyang higaan at tila nawalan na ng pag-asang gumaling. Nanggaling na rin siya sa ospital kung saan hindi naman gumanda ang kanyang pakiramdam.

Isang kaibigan ang naging tulay upang malaman niya ang alternatibong paraan ng Dok Alternatibo at ang holistic healing program nito na Rejuvenation Treatment. Ayon kay Gng. Paras “Maraming salamat sa serbisyo, sa pag-aalaga at salamat sa Panginoon dahil bumuti na ang pakiramdam ko. Praise the Lord!” Naging maganda rin ang karanasan niya sa programa dahil nabigyan ng tugon ang kanyang emosyonal at ispiritwal na pangangailangan. “Naging maganda ang tulog ko, nawala ang sakit ng sikmura at ganado na akong kumain” dagdag pa ni Gng. Paras habang masayang nagpapa-interview sa Prime Balita Nationwide.