Iginiit naman ngayon ng Pangulo na hindi niya magagawang ipapatay ang mga inosente at walang kalaban-laban gaya na lamang ng mga kabataan. Naniniwala siyang ito ay pamumulitika lamang at posibleng pananabotahe lamang sa kampanya laban sa iligal na droga ng Duterte administration.  Magugunita na kamakailan ay ipinasisilip ni Duterte kay PNP Chief Ronald dela Rosa ang pagkakapatay sa dalawang kabataan sa Caloocan City na sina Kian dels Santos at Carl Angelo Arnaiz. Ipinagtataka ng Pangulo kung ano ang motibo at mapapala sa pagpatay sa kabataan.  Kasabay nito ang kanyang pagtitiyak na hindi niya iuutos sa mga kapulisan ang pagpatay sa mga nagmamakaawa na sa kanilang buhay at kapag sumuko na at nakaluhod.