Janet-Lim-Napoles-mugshot.34

By: Archie Almeida

Napilitan lang bang ipa-Subpeona ng Senado si Jean Napoles? O kahiyaan na lang ba dahil sa pressure na inabot ni Senate President para pirmahan nito ang Subpeona upang sumipot sa imbistigasyon ng Blue Ribbon Committee in aid of legislation? Malaking bahid ng pagdududa ang aabuting ng liderato ng Senado kung hindi nila tatawagin o i-susubpeona sa hearing ng Blue Ribbon Committee si Jean Napoles kaugnay sa Pork Barrel Scam. Tanging si Napoles lamang ang makapagbibigay liwanag nito sa taong bayan.

Kasubuan na! Tamaan na ang tatamaan kung ano man ang isisiwalat ni Napoles sa Blue Ribbon Committee at kung sino sino ang involve sa scam na ito. Ganun pa man para ko nang nakikini kinita, ang mang yayaring drama sa loob ng Senado. Mga litanya ng mga katagang NOTED, I WILL CONSULT MY LAWYER YOUR HONOR, I RESERVE MY RIGHT AGAINST SELF INCRIMINATION  YOUR HONOR, atbpang mga sagot na malabo pa sa tubig ng lubluban ng kalabaw.

Kung ganito ang mangyayari hindi malayo na muling magduda ang taong bayan. Kung hindi niya sasabihin sa harap ng Committee at camera ang kanyang partisipasyon, kung sino-sino ang sangkot o mga sangkot sa pagkaubos ng may 10 Bilyong Pisong Pork Barrel mula sa kaban ng bayan, ito ay isang krisis na kahaharapin ng bansa hindi lamang ng administrasyong Aquino.

May hibo ng pagdududa Bumaligtad na ba ang Malakanyang sa kanilang “garantiya sa safety” para kay Napoles, nang ito ang boluntaryong sumuko mismo sa Palasyo? Damnum absque injuria ang latin maxim na ibig sabihin ay no damage no injury. Pero  “The damage had been done” sa taong bayan. Sila ang napuwerhisyo at nasaktan dahil dugo at pawis nila ang mga ibinayad na buwis sa gobyerno upang  sa kabilang banda naman ay mapagsilbihan ng tama ang mga mamamayan. Ang gusto na lamang malaman ng taong bayan ngayon ay kung sino sino ang sangkot dito gaano kalalim na ang mga sugat na tinamo ni Juan dela Cruz.

Kung natatandaang ninyo ang kasagsagan ng impeachment proceedings sa Senado laban kay Dating Presidente JOSEPH Erap ESTRADA tungkol sa isang “brown envelope”, na ayaw pabuksan ng abogado ni Erap at mga Senador na ka alyado ng dating Presidente,  na naging tampulan ng kantiyawan sa Senado at nagbigay naman  ng PAGDUDUDA sa isipan ng taong bayan?  Hanggang sa ito ay inabot na ng panibagong EDSA REVOLUTION at hindi nabuksan at nakita kung ano talaga ang nilaman nito? (Maging si Senador Nene Pimentel na siyang Senate President o Presiding Judge Senator ay hindi rin nalaman kung ano nga ba talaga ang laman ng “brown envelope”).

Ang pagdududang ito ay siyang naging hudyat upang magsimula ang panibagong panawagan sa pagbabago ng liderato ng bansa. Kaya sa pagharap ni Jean Napoles sa Blue Ribbon Committee ng Senado DAPAT na isiwalat niya ang buong katotohanan tungkol  dito sa  PORK BARREL SCAM. Tamaan na ang tatamaan sa ano mang ipapasabog ni Jean Napoles bastat ang kailangan malaman ng taong bayan ang tungkol dito at huwag magiiwan ng hibo ng pagdududa o IOTA OF DOUBT!