Pahayag  ngayon ng aktres na si Nadine Lustre na hindi madali ang pagkakaroon ng depresyon.

Ito ay base sa kanyang Instagram post nitong gabi ng Huwebes, Oktubre 12, 2017, kung saan inamin ni Nadine Lustre, na minsan na rin siyang dumaan sa matinding depression, ngunit hanggang ngayon ay tila nararanasan niya pa rin ito.

Dumating na rin umano sa puntong, nais na niyang sumuko dahil sa mga negatibong emosyong naranasan nito.

Kung maaalala sa World Health Day nitong Abril, una nang ipinaliwanag ni Dr. Shin Young-soo, ang World Health Organization Regional Director sa Western Pacific, na hindi imahinasyon ang depresyon dahil mas malalim pa ito kumpara sa karaniwang pagkalungkot lamang tumatagal hanggang dalawang lingo o mahaba pang panahon ang depresyon.

Iginiit din nito na ang depresyon kapag binalewala, ay nauuwi sa suicide na siyang pangalawa sa mga kaso ng pagkamatay lalo sa mga kabataan na edad 15 hanggang 29-anyos.