images (3)

Ni: Bernard Miñoza

Inamin narin ni Senador Jinggoy Estrada na nagbenta siya ng lupa kay controversial “Pork Barrel Queen” Janet Lim Napoles noong 2011.

Pero idinipensa ito ni Estrada dahil wala naman umanong masama sa naging transaksyon nya dahil hindi naman illegal ang pagbenta nya ng lupa. Ang anak pa raw ni Janet na si Jean Napoles ang pumirma at hindi si Janet.

Ang pagkakakilala daw nya kay Napoles ay isa itong business woman.

Ayon pa sa senador, 2004 pa daw nya nabili ang lupa na matatagpuan sa EDSA Cubao corner P. Tuazon noong sya ay Mayor pa ng San Juan. Subalit ibinenta nya rin ito dalawang taon na ang nakakaraan sa mga Napoles dahil nagipit umano syang pera.

Nagtataka naman ang batang senador kung bakit may malisya kaagad kapag sya ang nakipag-transaksyon kay Napoles, samantalang ang ilang mga mambabatas at pulitiko umano ay nakuhanan pa ng litrato na kasa-kasama ang tinaguriang “pork barrel scam queen.”

Si  Estrada ay isa rin sa mga senador na nadidiin sa pag-pondo ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa diumano’y bogus na NGO ng JLN Corporation.