migraine 2

Ni: Joy Quijano

Mahigit tatlong daang milyong tao sa mundo ay dumaranas ng migraine o sakit sa ulo na maaaring nagtatagal ng ilang oras at araw. Sanhi rin ang migraine sa pagliban sa trabaho at eskwela. Ayon sa pinakabagong pag-aaral ang vitamin B6, B12, B2, vitamin D at folic acid ay mahalaga sa utak. Kapag kulang ng bitamina ang katawan, nagkakaroon ng migraine.

Payo ng mga eksperto iwasan ang mga pagkaing may maraming preservatives at chemicals, iwasan ang caffeine at MSG. Kailangan rin na uminon ng maraming tubig at huwag magpaliban ng pagkain upang hindi sumakit ang ulo. Iwasan ang stress at mag-ehersisyo. Dagdag pa dito, ang serotonin na makukuha mula sa saging ay makakatulong laban sa migraine

pinagmulan ng imahe: http://www.fittolive.com.au/wp-content/uploads/2012/11/Headache.jpg