images (1)

Sa linggong ito bigyan din natin ng kahalagahan ang kalusugan lalo na ang kalusugan ng ating pamilya, dahil Walang mas mahalaga kaysa sa kalusugan ng ating mga anak at kalusugan ng ating mga pamilya. Nais nating lumaki ang ating mga anak at magkaroon sila ng mabuting pakiramdam tungkol sa kanilang sarili at magkaroon ng sigla na kinakailangan nila upang masamantala ang lahat sa buhay.

Maraming mga magulang sa ngayon ay parang walang pakialam sa kalusugan ng kanilang mga anak lalo na kung ano ang gusto nila ang sinusunod kahit ito’y hindi nakabubuti sa kalusugan ng kanilang mga anak.

Bilang isang magulang o caregiver, siguro’y alam mo na at itinuturo mo na sa iyong mga anak ang pangkalahatang impormasyon tungkol sa pagkaing mabuti para sa kalusugan at sa pisikal na aktibidad.

Tandaan: ang mga kaugalian at mga pattern na nabubuo habang bata ay nakakaapekto sa atin habang buhay. Kahit na ang mga maliliit na pagbabago lamang sa ating pamumuhay ngayon ay maaaring makagawa ng pagkakaiba para sa ating mga anak bukas.

Karamihan parin sa atin ngayon ang naniniwalang ang sakit tulad ng Hypertension, Diabetes, Cancer at iba pa ay minana sa ating mga magulang. Kaya ang paksang ito ay magtuturo na dapat ibahin at baguhin ang mga paniniwala para sa ating pamilya, lalong-lalo na sa ating mga anak dahil kung  nagpatuloy ang ganitong paniniwala ay walang katapusan ang ganitong salot sa ating buhay.

Kasabay ng pagbabago sa paniniwala ang pagbago ng ating lifestyle na siyang minana natin sa ating mga magulang. Isa na rito ang tamang pagkain na ipasok sa ating katawan.

Ang lahat ng tao ay nangangailangan ng iba’t-ibang pagkain para sa kabutihan ng isip at katawan.Ang mabuting nutrisyon ay mas mahalaga pa para sa mga bata dahil aktibo silang nagdidebelop. Ang mga batang kumakain nang mabuti  at tamang nutrisyon ay mas mahusay sa paaralan, may mas mahusay na konsentrasyon at mas mabuti  ang gawi. Sila rin ay patungo sa isang kinabukasang mas mabuti para sa kalusugan na may mas kaunting probabilidad ng mga pangmatagalang sakit tulad ng sobrang katabaan at Type 2 diabetes.

Iwasan para sa mga bata ang pagkain na hindi kailangan ng katawan tulad ng mga junk food dahil wala silang sustansiyang makukuha rito. Pakainin sila ng gulay, prutas araw-araw, instead process milk mas mainam  ang soy milk dahil kumpleto ito sa bitamina at mineral kasama na dito ang protina na kailangan ng kanilang muscle.

Sa panahon natin ngayon napakaraming sakit ang hindi natin maintindihan at bigla-bigla nalang dumarating sa mga bata kaya seguradohin ang kanilang tamang nutrisyon para lumakas ang immune system at may panlaban sa mga sakit.

Sa sunod na linggo may marami pa tayong pag-uusapan hindi lamang komentaryo sa pangyayari sa ating gobyerno kundi ang mga mahahalagang bagay para sa ating kalusugan.