Kangkong – isang karaniwang gulay na  makikita sa hapag ng mga Pilipino subalit alam niyo bang isa ito sa mga healthiest food sa buong mundo?

Sa Ingles, tinatawag na swamp cabbage o water spinach ang kangkong at isa ito sa mga popular na green leafy vegetables. Ang dahon at maging ang mga tangkay nito ay maaaring kainin bilang salad o ipangsahog sa ilang putahe gaya ng sinigang. Gumagapang na halaman ang kangkong na karaniwang nakikitang tumutubo sa mga basang lugar at mga nakasalansan na tubigan gaya ng mga maliliit na lawa at putikan. Ang dahon ay hugis palaso, at may bulaklak din na maaaring kulay puti o kulay lila.

Ang buong halaman ng kangkong ay maaaring makuhanan ng taba, protein, at vitamin C at B2. Mayroon din itong mineral na iron at calcium na mabuti sa kalusugan.

Ilan na nga sa mga benepisyo ng kangkong ay mabisa itong gamot para sa constipation o hirap sa pagdumi. Marami na ring pag-aaral ang nagsasabi na ang regyular na pagkonsumo nito ay dahan-dahang pinuputol ang sakit na diabetes. Kaya naman, pinipili ang dahon na nagmula dito at ipinapakain sa taong may sakit.

Taglay din ng kangkong ang vit c na kung saan pinapabuti nito ang immune system at isa pa kayang-kaya nitong i-improve ang overall health. Napatunayan na rin ng mga mananaliksik na mayroong chemical compound ang kangkong na nagbibigay ng ekstrang proteksiyon para sa atay kaya naman tinutulongan nito ang katawan na makaiwas sa mga liver damage at disease.

Siksik naman sa iron ang kangkong na kung saan tinutulongan nito ang mga taong may anemia. Pinapataas naman nito ang hemoglobin ng isang tao at napakalaking tulong nito sa mga nagbubuntis. Nakapagpapalinaw rin ng mata ang kangkong dahil gaya ng carrot taglay nito ang vitamin A.

Dagdag pa nito, inaalis ng kangkong ang mga free radicals na nakakapinsala sa katawan at ito rin ay may anti-ageing effects. May mabuting epekto din sa taong hirap sa pag-ihi ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng kangkong.

Bagama’t itinuturing na isa mga healthiest food ang kangkong, di naman nito magagarantiya na gagaling ka sa iyong karamdaman.

Kung malala na ang iyong sakit, di pwedeng kangkong lang, kung tiyak at epektibong solusyon ang hanap mo, dumulog sa eksperto sa natural na kagalingan.

Wag maging kampante, baka magsisi ka lang sa huli. Habang maaga pa, umaksyon na.

Paano gumaling ba kamo? Puntahan ang pinakamalapit na Dok Alternatibo Center sa inyong lugar.