claudineraymart630

 

Hindi nakapagtataka kung mauwi sa maayos na hiwalayan, ang sampahan ng kaso sa isat isa ang bangayan sa husgado at sa media ng ma-kontrobesyal na mag asawang Raymart Santiago at Claudine Barreto .

Dati-rati ay masipag at masiglang umaatend sa Sunday service ang mag asawa sa kanilang church, kasabay pa ang ilang mga celebrity star tulad nila Carmi Martin, sa Victory Church sa Taguig City. Maraming naniniwala na may malaking magagawa ang simbahan nila na ayusin ang gusot na sa pagitan nilang dalawa, kung may haharap na alagad ng kanilang simbahan at matiwasay na paliliwanagan ang dalawa.

Maging ang abogado ng dalawa ay maari ring maging daan upang gumawa ng paraan na ayusin ang kasong nakasampa sa husgado ng isat isa, dahil magkaeskuwela si  Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Ruth Castelo kapwa produkto ng  UE College of Law.

Malumanay na rin ang pagbibigkas ng salita ni Reymart nitong mga nakaraang interview sa kanya ng media sa showbiz. Sa ganitong senyales, matatapos ng matiwasay ang hiwalayan ng dalawa at at mga kasong ngayon ay nakabibin sa Piskalya at Husgado.