Hindi nangangamba ang 25-year old basketball star na si Kyrie Irving sa kanyang maggiging pagharap sa dating koponan na Cleveland Cavaliers sa darating na opening game ng NBA sa susunod na linggo, kung saan inaasahang isa siya sa mga maggiging front liners ng Boston Celtics sa nasabing laban.

Ayon kay Irving, laro lang naman umano ang magaganap, kung kaya bakit naman umano siya dapat mangamba.

Dagdag pa ni Irving, naiintindihan umano niya ang kahalagan ng nasabing laban pagka’t batid niya na espesyal sila, kung kaya ganoon na lang din umano ang init ng suportang kapwa nila natatanggap.

Magugunita na magkasamang naglaro si Irving at LeBron sa huling tatlong finals game ng Cavs, ngunit kamakailan ay tinrade sya kay Isaiah Thomas.

Una nang ibinahagi ni Kyrie na sabik na siyang maglaro para sa Celtics, at ikinagagalak niyang makaharap ang isang magaling na team gaya ng Cavs.