Di iiwan ng singer na si KZ Tandingan ang Pilipinas kahit paman manalo sa “Singer 2018” kung saan magugunitang natalo nito ang “Price Tag” singer na si Jessie J.

Ibinihagi ni KZ, malaki ang impluwensya ni Jessie J sa kanya noong siya’y nagpaplanong tumigil sa pagkanta kung saan si Jessie J umano ang taong nagbibigay ng magandang payo pagdating sa pagpe-perform.

Nang matanong naman si KZ kung anong isasagot kapag magpo-propose ang long term boyfriend na si TJ Monterde, aniya, “Yes” umano ang magiging sagot niya.

Magkasintahan sina KZ at TJ nang mahigit tatlong taon.