25_Swimming

Ni: Marylie Noran

Marami na ngayon ang nakakaranas ng Depresyon na sanhi naman ng pagkamatay. Naaapektuhan nito ang sarili, pamilya at trabaho.

Ayon sa everydayhealth.com, may mga recreational activities upang malabanan ang depresyonIsa na dito ang paglangoy. Isa sa mga naniniwala dito ay ang actor na si Tom Cruise. Ang ehersisyo ay isa sa pinakamabilis na paraan upang maging maayos ang lagay ng pag-iisip ng mga taong depressed. Nakakapag-release ng endorphins ang katawan sa pamamagitan ng Aerobic Workouts. Ang swimming ay epektibo upang maiwasan ang kalungkutan dahil mas focus ang paghinga at ang paggalaw ng katawan.

Pinatotohanan din ito ng pag-aaral na pinangunahan ni James Blumenthal, propesor ng Medical Psychology sa Duke University sa Durham. Nadiskubre na ang mga taong depressed na isinailalim sa aerobic exercise ay epektibo. 

Pinagmulan ng imahe: fitday.com