Nasa Maynila na ang labi ng Hashtags member na si Franco Miguel Hernandez.

Nakaburol naman ang kanyang labi sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.

Agad namang nagpaabot ng pakikiramay ang ilang mga kaanak at mga kaibigan ni Franco habang nag-akay rin ng dasal ang “It’s Showtime” hosts na nasa New Zealand para sa kasal ni Anne Curtis noong panahong namatay si Franco.

Nakatakda namang i-cremate ang labi ni Franco ngayong darating na November 17.

Magugunitang namatay si Franco noong Sabado matapos tamaan ng malakas na alon ang sinasakyan nitong bangka dahilan upang nahulog at nalunod siya sa dagat na siya ring ikinamatay niya.