Isa ka ba sa mga taong sawi sa darating na araw ng mga puso? Hindi ka pa ba nakakamove on o di kaya’y masakit pa sa iyong kalooban ang inyong break up? Kung oo,pwes may masamang epekto ito sa iyong kalusugan.

Pananakit ng dibdib at nahihirapang huminga ay mga sintomas ng broken heart syndrome.Sa tuwing nai-stress ang isang tao,an gating katawan ay naglalabas ng cortisol o adrenaline na maaring magdulot sa iyo ng broken heart syndrome.

Pinaparami kasi ng cortisol ang taba sa iyong tiyan na maaring mkaapekto sa mga inner organs ng iyong katawan kabilang na ang iyong puso.Ang adrenaline ay tumutulong sa iyo na maghanda upang harapin ang panganib ngunit an gating katawan ay walangh kaalam alam sa kaibahan ng panganiob mula sa stress.Maari nitong sirain ang mga plaque na nabubuo sa iyog arterya at kapag nasira ang plaque nagudulot ito ng heart attack at stroke sa isang tao.

Ang broken heart syndrome kilala rin bilang takotsubo syndrome (TTS) ay ang temporaryong panhihina ng heart muscles.Sa tuwing nakararanas ang isang tao nito,pansamantalang nagagambala ang normal na pagpump ng ating puso. Kapag hidi pa nagamot o naagapan ang sakit na ito maari itong humantoing sa pulmonary edema,Low blood pressure (hypotension) at Heart failure.

Base sa ginawang pag-aaral St. Luke’s Mid America Heart Institute sa Kansas City,lumabas na ang  sobrang kalungkutan dahil namatayan ng mahla sa buhay o sobrang pagdidibdib sa mga taong nawala sa iyong buhay ay nagpapataas nagtitrigger ng heart attack.Lumabas din sa pag-aaral na karaniwang nagkakaroon nito ay mga kababaihan.

Ang sobrang production ng stress hormones ay nagpapataas ng iyong blood pressure,nagpapabilis ng tibok ng iyong puso, at nagcoconstrict ng iyong small blood vessels.

Kabilang sa mga sanhi ng heartbroken syndrome ay ang pagkain ng sobra at nahihirapang makatuog.Kapag nasasaktan kasi tayo maaring mahirapan tayong matulog dahil sa kakaiyak tuwing gabi.Hindi ito maganda dahil pinapahina nito an gating immune system at pinapataas ang tsansa n gating kamatayn mula sa heart disease.

Iba pang sanhi nito ay medical diagnosis,Domestic abuse,kawalan ng maraming pera,mga argument,kawalan ng trabaho at iba pang maaring magdulot ng negatibong emosyon sa iyo.Maraming eksperto ang inererekomenda ang long-term treatment gaya ng beta blockers pumipigil sa mga damaging effects ng stress hormones sa iyong puso.

Dito naman sa dok alternatibo RTCP lang ang katapat dyan.Kung saan pangunahing gagamutin ka psychologically na syang pangunahing sanhi sa sakit na ito.

By:Redchel Montes