12735918_1040553662667651_1084625664_n

Ang halamang lagundi ay nagtataglay ng maraming uri ng kemikal at sustansiya na makakatulong sa ating kalusugan, ito ang pinakakilalang halamang gamot na mabisa sa ubo. Aprobado ito ng Bureau of Foods and Drugs o BFAD, at ayon sa Department of Health ito’y mabisa at ligtas na gamot.

Paano nga ba ang pag-inom ng lagundi o ano ba ang paraan ng paghahanda nito bilang gamot? Hugasan ng mabuti ang dahon, dalawang baso nito + dalawang baso ng tubig pakuluan ng sampung minuto at palamigin. Uminom ng dalawang kutsara nito tatlong beses isang araw sa loob ng dalawang linggo o hanggang mawala ang ubo. Mas maigi na haluan ng kalamansi at Wild Honey.

Isang masayang balita, hindi mo na kailangang maghanap o pumitas ng halamang lagundi dahil naka-kapsula na ito. Ang Dok F Lagundi capsule ay mabibili mo ng mura sa lahat ng branches ng Dok Alternatibo. Ito ay napatunayang epektibo at mabisa sa iba’t ibang karamdaman lalo na sa ubo na may makapit na plema. Ang iba pang benepisyo ng lagundi ay panlaban o gamot sa lagnat, pananakit ng ulo, kabag, pananakit ng ngipin, pagtatae at hika. Maaari ring bumisita sa aming website www.dokalternatibo.org para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kalusugan.