Arestado ang isang lalaki matapos nitong saksakin ang pinsan ng kanyang asawa noong Oktubre 11,2017.

Ang suspek ay kinilalang si Victor Sambrana,43 anyos,may asawa at residente sa lavander,Prk.5,Ruparan,Digos City.

Ayon sa biktimang si Jerry Omullaro,habang nagluluto umano sya sa bahay ng kanyang pinsan bigla umanong nagwala ang naturang suspek.

Kaagad namang umuwi ang biktima upang maka iwas sa gulo.laking gulat nito ng sundanĀ  sya ng suspek at bigla-biglang sinaksak.Maswerte namang nakaiwas ang biktima subalit tinamaan parin ang kaliwang bahagi ng kanyang balikat at kanyang tiyan.

Dinala naman kaagad ang dalawa sa Davao del Sur’s Provincial Hospital para sa medical check-up.

Kasalukuyang nasa custodiya ng Custodial PNCO at Invest Section na ang suspek para sa maayos na disposisyon.

By:Redchel Montes