Hustisya ang sigaw ng asawa at pamilya ng isang lalaking binaril noong nakaraang araw bandang alas 10:30 ng gabi sa Purok Santan , Brgy. Matutungan Sta. Cruz Davao del Sur.

Ang biktima ay kinilalang si Richard Tinuyog, 37 anyos na residente ng naturang lugar na kung saan siya ay binaril.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na habang papunta ang biktima sa tindahan ng kanyang kapitbhay ay may 3 palang nag-aabang sa biktima at saka ito pinagbabaril ng walang pag-aalinlangan na dahilan ng kanyang agarang pagkasawi.

Sa ngayon,nagsasagawa na ng Hot Pursuit Operation ang mga kapulisan para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek.