Aktibong nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad noong nakaraang araw bandang alas 6:30 ng gabi sa isang suspetsado may kasong rape o panggagahasa.

Pinanguluhan nina PSI Edward Talaboc at PCI  Francis Sonza ang joint operation isinagawa na naging resulta sa matagumpay na pag-aresto sa suspek sa Brgy. San Isidro, Malalag Davao del Sur na kinikilalang si John Marc Teh,23 anyos na residente ng Sitio Kulo,Brgy. Poblacion, Malita Davao Occidental.

Inisyuhan naman ni Hon. Judge Carmelita Davin ang pagkakaroon nito ng Warrant of Arrest matapos mapatunayan na siya’y nagkasala ng kasong rape.

Sa ngayon, temporaryong nasa Digos City Police Station ang naturang salarin.