Arestado sa Manhunt Charlie Operation ang isang lalaki na may kasong Estafa, kinilala ang suspek sa pangalang Jose Factor Torendo,53 taong gulang,na nakatira sa Guerrero Compound,Yumag Street,General Santos City.

Pinangunahan ang operasyon nina P02 Charlie Dela Rosa,SP01 Raegan Patricio,P03 Ernie Semino at sa ilalim na rin ng pangkalahatang pangangasiwa ni PSUPT Demetrius Taypin.

Mahigit sa animnapung libong peso ang piyansa ng akusado upang makamit nito ang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon,nakakulong ang suspek sa Digos City Police Station

 

By: Camelle A. Sioco