Arestado, ang isang lalaki na nagpaputok ng hindi lisensyadong baril sa may Highway ng Badiang, barangay Sinawilan, Digos City. Sa tulong ng 1 concern citizen, naresolba at nahuli sa akto ang suspek, kahapon sa alas 10:00 ng umaga.

Ang suspek ay nagngangalang Gorgonio Baluran, 36 anyos at residente sa napangyarihang insidente. Nakumpiska sa kanya ang 1 homemade 38 na rebolber, 1 spent shell na may 38 na kalibre at 4 na live ammos.

Sa ngayon, temporaryong nakakulong ang suspek sa Digos City Police Station.

By: Charlyn S. Toralba