ombudsman

Suspensiyon na anim na buwan ang ipinataw ng Ombudsman sa pitong Department Heads ng Lungsod ng Navotas, matapos itong mapatunayan ng kasalanang Simple Misconduct sa Joint Resolution na ibinaba nito noong Setyembre 13, 2013.

Ang reklamo ay bunsod sa isinampang kaso nina Jose A. Ruiz Jr. at Cristina Ruiz kapwa residente ng Navotas City, kaugnay ng okasyong isinagawa ng Lungsod sa “Kasalang Bayan 2011”.

Ang mga nasabing opisyales ay mga membro ng Bids and Awards Comitte (BAC) ng city government ng Navotas.

Sa reklamo nina Ruiz ay may mga iregularidad ang proseso na ginawa ang BAC sa pagbili ng mga materyales na gagamitin sa nasabing okasyon. May aprubadong budget na Php 384,450.000.00  ang gagamitin sa pagbili ng mga materyales na gagamitin sa nasabing kasalan bayan. Subalit ang paggamit ng nasabing pondo ay hindi umaayon sa batas partikular ang Republic Act 9184.

Nagsampa ng kaso sina Jose Ruiz Jr. at Cristina Ruiz ng Falsification of Public Documents bilang paglabag sa RA 9174 at RA 6713. Ngunit ang mga kasong ito ay isinantabi ng Ombudsman at ayon sa pagaaral sa kaso ang mga nasabing Department Heads ay lumabag ng Simple Misconduct.