pumpkin

Ni: Joy Quijano

Ang kalabasa o pumpkin ay kilala na bilang mainam na pinagkukunan ng bitamina A upang maging malinaw ang paningin. Ngunit higit pa riyan ang maiaambag ng kalabasa sa katawan dahil ang isang cup ng kalabasa ay mayaman rin sa fiber na makakatulong lalo na sa mga nais magbawas ng timbang. Ang buto ng kalabasa ay mayaman sa zinc na nagpapaganda sa performance lalo na sa pakikipagtalik. Mainam rin ang zinc sa fertility at potency.

Noon pa mang 20th century ang buto ng kalabasa ay ginagamit na bilang natural na gamot sa sakit sa prostate dahil meron itong phytosterols. Magagamit rin ang kalabasa laban sa mga bulate sa bituka, sa katunayan matagal na itong ginagamit ng mga Native Americans at Africans bilang pampurga.

Pinagmulan ng imahe: google