eyesolution

Ni: Joy Quijano

Mayroon tayong nakasayanang ginagawa na hindi natin namamalayan na sumisira na pala sa ating paningin. Inilathala sa Natural Health Magazine na upang mas maging malinaw ang paningin kailangan na magkaroon ng tamang diet at tamang pagpili ng pagkain lalo na ang prutas at gulay. Nakakatulong sa paningin ang mga natural na pagkain na mayaman sa bitamina C at E, omega 3 at zinc. Mayroong sapat na sustansya ang citrus fruits, nuts, whole grains, luntiang gulay at isda.

Huwag kuskusin ang iyong mga mata dahil maaaring makasira ito sa blood vessels na nasa ilalim ng eye lids, sa halip na gawin ito, maaaring gamitan ng cold pressure kapag nairita na ang mga mata. Iwasan ang panonood ng telebisyon lalo na sa gabi ang sobrang exposure ng mga mata sa tv screen, lap top, at mobile phone. Magiging sanhi ito ng pananakit ng ulo at pamumula ng mata. Kailangan rin na matulog sa tamang oras. Ang kakulangan sa tulog ay sanhi rin ng obesity at panghihina ng resistensya. Para sa mga adult mahalaga ang pito hanggang walong oras ng pagtulog.

Iwasan ang palagiang pagtitig sa mobile phone dahil sanhi ito ng panlalabo ng mata, dry eyes at sanhi ng antok. Huwag matulog na mayroong contact lense dahil magiging sanhi ito ng impeksyon at magdudulot ng malaking permanenteng sira sa mga mata. 45% ng eye injuries ay nangyayari sa bahay lalo na sa paggamit ng mga kemikal at pagluluto.

Para sa mga babae, iwasan ang paggamit ng nakakasirang make-up lalo na ang eye shadow at eye cream. Maging maingat sa paglalagay ng make-up dahil maaaring masagi ang eyelashes kung saan naroroon ang oil glands at magiging sanhi rin ng impeksyon. Kailangan rin palitan ang make-up pagkatapos ng tatlong buwan. Ang Eyesolution ng Dok Alternatibo ay mabisang paraan upang maalagaan ang paningin dahil gawa ito mula sa natural na halamang-gamot na tawa-tawa at nagpapalinaw rin ng paningin.