seag-opening1

Dalawang-daan at walong (208) pangalan ng mga atleta ang isinumite noong Huwebes ng Joint Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission para sa darating na 27th Southeast Asian Games (SEAG) sa temang  Green, Clean and Friendship. Ito ay isa sa  mga pinakamaliit na delegasyong ipinadala ng bansa sa nasabing SEAG na gaganapin mula Disyembre 11 hanggang 22 sa Burma(Myanmar).

Ayon kay Jeff Tamayo Chef de Mission ang listahan ng lalahok ay inaprubahan na ni POC President Jose “Peping” Cojuangco Jr. at PSC chairman Richie Garcia. Labing Dalawa sa mga atleta ay mula sa basketball, pito sa wushu, dalawa sa billards, tig iisa naman para sa judo, wright lifting at shooting. “One thing’s for sure, the size of the delegation will not exceed the number that we will submit .” ayon kay Tamayo

Sa torneo ng SEAG ay pinapayagan palitan ang kanilang  ilalahok  na atleta hanggang sa registration meeting sa Disyembre 10 subalit hindi maaring baguhin pa o magdagdag sa pagbubukas ng palaro.

Matatandaan   na   ang Pilipinas ay nagpadala ng delegasyon na may 512 na bilang dalawang taon mang nakakaraan sa Indonesia at humakot ng 36 na gintong medalya subalit pumang anim lamang sa 11- nation competition. Ang pinakakaunting contingent na ipinadala ng bansa sa SEAG ay noong 1999 sa Brunei na umabot lamang sa 200.

Ang opening at closing ceremonies ng Games ay gaganapin sa Wunna Theikdi Stadium at ang lugar na paglalaruan ng mga atleta sa nasabing torneo ay sa Kapitolyo ng Nay Pyi Taw, Yangon, Mandalay at Ngwe Saung Beach sa bansang Myanmar. Wunna Theikdi Stadium will be the venue for the opening and closing ceremonies of the Games. Most of the major events will be held in Naypyitaw Sports Facilities.