dapattama

Hanggat hindi magkaisa ang Pinoy hindi din matatapos ang martsa sa Edsa, bakit? Dahil patuloy parin ang  kurapsyon sa ating bansa. Kapag di tayo magkaisa mapipili parin na maupo sa pwesto ang mga buwaya at mga kawatan na politiko. Ikaw na bumoto sa kanya ikaw ang dapat sisihin kung bakit mga kurakot ang napili nating naging opisyal. Tapos si Mr. Kurakot na politiko pipili din ng kanyang kasosyo na marunong din maglaro para sipsipin ang kaban ng gobyerno. Di ba kawawa tayong mga Pinoy.

Hanggang kailan hindi pa din tayo natoto at na leksyon sa mga nakalipas na panahon, ilang beses na tayo nauuto hanggang ngayon nagpauto parin tayo. Sino ba dapat sisihin kung naging kurakot ang mga napili nating mga leader, eh di tayo parin dahil pinili natin sila.

May magandang slogan ang kandidato sakay kaagad tayo. Sasabihin lang ng kandidato “Kung walang kurap, walang mahirap” tama talaga yan! Eh, napatunayan ba nila? Nasaan ang  “Tuwid na daan”? eh, malapit ng bumaba sa pwesto hindi parin natutuwid? Paano maitutuwid, sarili nga di matuwid. Di nga kaya iwanan ang paninigarilyo…, ay nako kawawa tayong mga Pilipino.

Gusto na sana ng Dios tumulong sa atin para sagipin ang bansang ito, ngunit tayo din ay matigas at hindi nakakaintindi. May tatakbong alagad ng Dios hindi rin natin iboboto at mas masaya pa tayong pipiliin ang alam din nating kurap. Sinabi ni Pilato sa mga tao na gustong magpapako sa krus kay  Jesu Kristo, “wala akong nakitang kasalanan sa taong ito”. Tinanong ni Pilato ang mga tao kung sino ang dapat palalayain ang magnanakaw o si Jesus. Ang sagot ng mga tao: “Palayain ang magnanakaw at si Jesus ipako sa krus.” Di ba, maliwanag na mas pinili pa ng mga tao ang magnanakaw na palayain kay sa  taong walang ginawang kasalanan.

Ngayon mag-isip ka…, may alagad ang Dios na gustong mamumuno sa ating bansa, ang tanong ko sino binoto mo noong election? Kung ano man ang pinili mo ngayon, dapat tanggapin mo dahil pinili mo. May pagpipilian naman, kaya lang nauto tayo. Sigi sa susunod pauto naman tayo para balik EDSA na naman.