EPSN6639 copy

Para akong sirang plakang paulit-ulit na nagtatanong sa opisina ng Philippines Institute for Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) Office dyan sa compound ng East Ave Hospital at E-mail, kung mayroon na bang Implementing Rules and Regulations ang kanilang charter o ang batas na nagcreate sa kanila. At kung may nagawa na ba sila ayon sa mandato ng batas, ang TAMA Law o RA 8423. Marami kasing nagtatanong sa aking mga interesado kung nag bibigay ba sila ng seminar o pag-aaral o training man lang. At kung papaano na accredit ang isang interesado o grupo sa traditional at Alternative Health Care.

Nakausap ko si Director Jovencio Ordona tungkol dito ngunit halos ayaw niyang sagutin ang tanong ko.

Muli ang mga tanong ko

a) May nabuo na bang implementing Rules and Regulations ang PITAHC at DOH para sa RA 8423?

b) May nabuo na bang PITAHC na komite na siyang magbigay na siyang magbibigay ng training o pagsasanay sa mga interesado o gustong mag-practice ng Traditional at Alternative Medicine?

c) Tungkol sa Pagsasaliksik may inilunsad bang proyekto ang PITAHC upang mapaunlad ang karunungan kaugnay nito?

d) Kaya bang banggain ng PITAHC ang western medicine sa pagsasaliksik para sa kagalingan ng bansa?

Matagal kong hinintay ang sagot nila, personal, sulat o e-mail man lang, ngunit hanggang sa sinusulat ko ang kolum na ito ay wala akong makuhang sagot mula sa kanila. May pinagtatakpan ba ang PITAHC kaya ayaw nilang sumagot sa mga tanong ko? kanino ba dapat nakatuon ang layunin ng institusyong ito? Paki sagot lang Dr. Ordoña!

Mga gamot na mula India mas higit na mura kesa sa dito sa Pilipinas. Marahil lahat tayo ay may kaibigang bumbay (yung nagpapaybsiks) Alam nyo ba na ang mga ito ay hindi bumibili ng gamot sa botika natin? Kung meron man marahil ay emergency lang o naubusan na sila?

Ang gamot na parehong brand halimbawa na ang paracetamol ay di hamak na mas mura na nabibili sa bansa nila? Kung piso ang presyo nito dito sa Pilipinas, sa India ay halos bentesingko sentimos lang. Ipagtanong ninyo sa kaibigan ninyong Bumbay.Kaya itong kaibigan kong Bumbay na si Singh ay laging nagpapadala ng kanyang gamot mula sa kanilang bansa, at siyempre nag i-istock siya sa kanyang medicine cabinet. In case of emergency may magagamit siyang gamot.Pero ano nga ba ang punto rito?

Naging isyu sa buong mundo ang pagdagsa ng mga pekeng gamot sa Third World Countries, at hindi naka iwas dito ang Pilipinas.May ilang buwan nang nakakaraan ay may nasabat ang Bureau of Customs (BOC) na drum-drum na gamot (peke man ito o hindi) dyan sa Aduana. Hindi pa ito naka pakete o package, ibig sabihin kung sino man ang nagparating nito sa pyer ay may mga makina at paraan upang ito ay mailagay sa pakete ay maibente sa mga botika.May nag react dahil maraming paraseyotikang tinamaan ng tangkang pagpuslit ng mga gamot. Pero meron din namang hindi (marahil ay sa kanila ang parating na gamot). Isipin mga nga naman kung ang bili ay bente singko sentimos slang e maibebeta naman ng piso sa mga botika natin.

Napakamahal ng gamot, lalo na kung ito ay imported at walang kakumpitensya sa bansa, kung may kakumpetensiya man nagpapagalingan sa promotion at advertisement kaya ang gastos rito ay ipinapatong sa halaga ng gamot.Kawawa ang nagkakasakit. Ang Health Care program naman ng administrasyon at magkaroon ng Universal Health Care nakatuon sa programa ng Philhealth. Oo yun na nga may Philhealth, pero ang mga gamot na inihahatol ng mga Doctor. Mura ba ang halaga?

Bagamat nakapatong ang gastos nito sa Philhealth sa bandang huli si Jan Dela Cruz pa rin ang tatamaan.Kaya tama lang ang panawagan ni dating Senador Juan Flavier, Mahal ang magkasakit!s Bawal ang magkasakit!

Kaya pinangunahan niya ang pagsulong ng Traditional at Alternative Health Care sa ating bansa. Ang problema mukhang may ipinagtatanggol at pinagtatakpan ang mga kinauukulan sa isyung ito. Hala! Bago magretiro! Galaw-galaw na!