lemongrass1

Ni: Joy Quijano

Ang tanglad ay isang mabangong damo na karaniwang ginagamit na pantanggal sa lansa ng mga pagkain. Kilala rin ito bilang sangkap sa paggawa ng tsaa. Orihinal na nagmula ang halaman sa bansang Sri Lanka, India at isla ng Java, ngunit ito’y karaniwan na ding pananim sa Pilipinas.

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tanglad ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansiya na may benepisyo sa kalusugan. Taglay ng sariwang dahon ng tanglad ang ilang uri ng langis gaya ng lemon-grass oil, verbena oil, at Indian Molissa oil. Mayroon din itong methyl heptenone at terpenes. Ang dahon at ugat ay makukuhanan din ng alkaloids, saponin, a-sitosterol, terpenes, alcohol, ketone, flavonoids, chlorogenic acid, caffeic acid, p-coumaric acid at sugars. Ang mga sakit na maaaring magamot ng tanglad ay pagtatae, pananakit ng ngipin at hirap sa pag-ihi

pinagmulan ng imahe: http://powerof3info.fatcow.com/?p=1580