coconut-water

Ni: Joy Quijano

Kilala bilang tree of life ang niyog ngunit isa sa mga paborito mula sa niyog ay ang tubig nito. Nakakatulong ito sa mga nagbabalak na magbawas ng timbang dahil ang coconut water ay pumipigil sa gutom at nagbibigay ng pakiramdam na busog, mainam rin para sa  younger-looking skin.

Makakatulong rin ang tubig ng niyog kapag may hangover dahil meron itong electrolytes lalo na kung nagsusuka at palagiang umiihi. Gumaganda rin ang pagtunaw ng pagkain kapag uminom ng coconut water. Nakakatulong rin ito lalo na sa may high blood pressure at mayaman sa sustansiya at minerals kagaya ng calcium, magnesium, phosphorus, potassium at sodium. Ang isang serving ng coconut water ay merong 65 calories.

pinagmulan ng imahe: http://dwgan.blogspot.com/