Ang ampalaya ay isang topiko at subtropikong uri ng prutas na makikita sa bansang nasa Africa, Asya at Caribbean.Maliban sa kanyang napakapait na las ang ampalaya ay kilala rin dahil sa mga medicinal effects na dala nito.

Una na rito ay ang pagpapababa ng blood glucos sa diabetes mellitus.Mayroon kasing tatlong active substances ang ampalaya na may anti-diabetic properties kabilang na rito ang charantin, vicine and polypeptide-p-isang compound na nagtataglay ng insulin.Ang mga properties ring ito ay tumutulong na maiwasan ang pagtaas ng sugar levels sa bloodstream.

Nagtataglay rin ng lectin na nagpapababa sa appetite ng isang tao na tumutulong naman mabawasan ang blood sugar levels.Nagtataglay rin ito ng mataas na vitamin B9 na mainam lalong lalo na para sa mga nagbubuntis dahil tumutulong ito para maiwasan ang neural tube defects sa mga sanggol.

Taglay rin nito ang ilan pang mga bitamina gaya ng vitamin B3 or niacin, vitamin B5 or pantothenic acid, vitamin B6 or pyridoxine, zinc, potassium, manganese, magnesium, and iron.

Ang pag inom rin ng dalwang kutsarang ampalaya juice ay nakakatulong sa jaundice o paninilaw ng balat at puti ng mata.Nakakatulong rin ang amapalaya sa puso ng tao dahil nakakapagpabawas ito ng cholesterol levels sa dugo.Kung nais mo rin na mamaintain ang tamang timbang at mapaganda ang growth atdevelopment ng iyong mga muscles kumain ka ng ampalaya.

By:Redchel Montes