spices-and-herbs

Isa ang ‘Ginger o Luya’ sa pinaniniwalaang makakatulong sa pagsugpo ng cancer cells. Ayon sa American Cancer Society matagal nang ginagamit ang ginger bilang gamot sa pananakit ng tiyan, kawalan ng ganang kumain at pagsusuka. Sa mga taong sumasailalim sa cancer treatment makakatulong ang luya sa pag-iwas sa pagsusuka. Nakakagaling din ito sa arthritis at pananakit ng kasu-kasuan.

 
Ang ‘Rosemary’ naman ay isang mediterranean herb na hugis-karayom at mayaman sa antioxidants. Dahil nga antioxidant ito, nagde-detoxify ito sa mga kemikal na makakasama sa ating katawan. Gamot ito sa kabag (flatulence), hindi natunawan (indigestion) at kawalan ng ganang kumain. Kadalasan ginagawa itong tsaa o tea.

 
Ang ‘Turmeric’ ay kapamilya ng luya. Malakas itong panlaban sa cancer ng colon, prostate, breast at balat. Napatunayan sa mga eksperimento na isinagawa sa mga hayop na ang turmeric ay mabisa laban sa free radicals na sumisira sa katawan.

 
Ang ‘Sili’ ay may capsaicin na nagpapagaan ng nararamdamang sakit sa katawan. Napatunayan na ang capsaicin ay magandang gamot sa neuropathic pain, ito ay pagkabigla o shock na nararanasan ng nerves lalo na matapos ang operasyon.

 
‘Bawang’ ang pangontra sa aswang na tinatawag na cancer. Mayroon itong aktibong compound na allicin. Ang palagiang pagkain ng bawang ay nakakababa ng posibilidad na magkaroon ng cancer sa colon, esophagus, pancreas at breast. Isa din itong antibiotic ayon sa Food and Drug Administration (FDA). Pumapatay ito ng bacteria at nire-repair ang cells at deoxyribonucleic acid (DNA). Halamang gamot ito na nagpapababa ng blood pressure at nagpapatibay ng immune system. 

 

Pinagmulan ng Larawan: Organice Lifestyle Magazine