healthy snacks

Ni: Joy Quijano

Hindi maitatanggi na ang mga Pinoy ay mahilig sa snacks. Ayon sa pinakabagong pag-aaral ng US Department of Agriculture ang snacking habits ay nakadaragdag ng calories sa katawan lalo na kung mamantika at hindi healthy ang merienda. Payo ng mga health and diet expert kapag tama ang snacks makakatulong ito upang makapagbigay ng enerhiya sa katawan. Kagaya na lamang ng mansanas o apple, almonds, avocado, crackers.

Makakatulong rin ang healthy snacks na gulay kagaya ng pipino, carrots, vegetable salads at nilagang itlog. Mahalagang tandaan na ang ang merienda ay hindi kailangang mabigat sa tiyan. Ang healthy cookies ng Dok Alternatibo ay isang healthy snack na tiyak na makakabusog sa tiyan at makakabuti pa para sa kausugan dahil meron itong b-complex, bitamina at mineral.