owwa

Pinarangalan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang dalawa nilang scholar na napasama sa “Top 10” na mga nakapasa sa Licensure Examination ng mga Registered Electrical Engineer na ibinigay ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Setyembre 7 at 8.

Ang dalawang scholar na sina Melvin Lacia na nagmula sa Mindanao State University (IIT) ay pumang limang pwesto samantalang si Leo Barsinas naman na nagmula sa Univeristy of the Philippines ay na kakuha ang pang anim na puwesto sa naturang Engineering Examination.

“Dapat maging halimbawa ng mga kabataang estudyante ang dalawang scholar na ito dahil kahit malayo sa piling nila ang kanilang mga magulang ay nagsusumikap at pinagbuti parin ng mga ito ang kanilang pag-aaral para makamit ang tagumpay”, ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon.