interphoto_1343284458

Sa kabila ng mga hinaing at paghihirap ng napakaraming myembro ng Social Security System (SSS) dahil sa pagtaas ng kanilang kontribusyon naglalakihang bunos pala ang tinanggap ng mga opisyal at empleyado. Kumita raw ng P36 B ang ahensya nuong nakaraang taon kung kaya’t binigyan nila ng naglalakihang bonus ang kanilang mga sarili na umaabot sa P286 M.

Ayon kay SSS President Emilio de Quiros na sa ngayon ay naabot na nila ang P20 B na pondo ng SSS kung kaya’t posibleng dadagdagan pa nila ang mga bonus na kanilang ipina-mumodmod sa kanilang mga sarili dahil malapit na umano nilang maabot ang target na P30-B ngayong 2013. Kung matatandaan, sa huling State of the Nations Address (SONA) ni Pangulong Aquino, ibinunyag nito ang unti- unting pagkawala ng pondo ng SSS kung kayat sa darating Enero daw sa susunod na taon ay kailangang itaas ng 11% ang kontribusyon ng mga myembro.

Sa kabila nito, ikina- dismaya naman ng mga myembro ng SSS ang balitang nakatanggap ng milyon-milyong pisong bonus ang mga opisyal at empleyado ng ahensya. Ayon sa mga reaksyon, hindi na nga maganda ang serbisyong ipinatutupad ng ahensya sa kanila at pahirapan pa umano sa pag-pila ang mga kawawang myembro para lamang i-follow up ang kanilang mga barya-baryang benepisyo.

Hinaing ng mga myembro, kung nagagawa nilang mangmudmod ng napaka-laking bonus sa kanilang mga opisyal at empleyado ay hindi na umano kailangang dagdagan ang kanilang mga kontribusyon dahil malaki naman pala ang kini-kita ng SSS.